Patay na ng higit 2-taon ang lider ng Taliban na si Mullah Mohammad Omar.
Ito ang kinumpirma ng main intelligence agency ng Afghanistan.
Matatandaang hindi na nakita ng publiko si Mullah Omar mula ng tumakas sa pananakop sa border ng Pakistan.
Sinabi ni Abdul Hassib Sediqi, Spokesman ng National Directorate of Security ng Afghanistan, na nasawi si Mullah Omar sa ospital sa Karachi Pakistani noong April 2013.
Hindi malinaw kung bakit ngayon lamang inanunsyo ang kamatayan ng lider ng Taliban.
Wala pang pahayag ang Taliban o sino mang opisyal ng Pakistan sa nasabing balita.
By Mariboy Ysibido