Nagpositibo sa COVID-19 ang Hong Kong Leader na si John Lee matapos itong makauwi mula sa Asia-Pacific Summit.
Ito ang sinabi ng Hong Kong Government, ilang araw matapos makisalamuha ang Pinuno kay Chinese President Xi Jinping at iba pang lider ng bansa.
Negatibo pa sa Rapid Antigen Test si Lee nang bumisita noong nakaraang linggo sa Bangkok, para dumalo sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Forum.
Sa ngayon, naka-quarantine na ang Hong Kong Leader bilang pagsunod sa guidelines ng Centre for Health Protection.
Ang APEC Summit ang kauna-unahang overseas trip ni Lee magmula ang pandemya kung saan nakadaupang-palad nito sina Jinping, Thai Prime Minister Prayut Chan-O-Cha, Singaporean Prime Minister Lee Hsien Loong, Indonesian President Joko Widodo, Vietnamese President Nguyen Phuc at iba pa.