Nanawagan si Indonesian President Joko Widodo sa mga lider ng G20 na tapusin na ang digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Ayon kay Widodo, na wala ng ibang opsyon kundi kailangan ng magtulungan ang mga bansa upang mailigtas ang mundo.
Ang G20 anya ang dapat maging dahilan para sa pag-angat muli ng ekonomiya.
Samantala, sa pamamagitan ng video link sa summit, nagbigay din ng pahayag si Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy, na maging co-creator ng kapayapaan at wakasan din ang agresibo na digmaan ng Russia.
Sinabi pa ni Zelenskyy, kumbinsido siyang wakasan ang alitan ng dalawang bansa. —sa panulat ni Jenn Patrolla