Pinagbabaril ang isang lider ng fraternity group ng riding in tandem sa Barangay Calamba, Cebu.
Ayon sa inisyal na report ng Sawang Calero Police Station, kinilala ang biktima na si Richard Buscaino presidente ng Alpha Kappa Rho Fraternity (AKHRO) na nagtamo ng apat na bala sa katawan na naging dahilan ng agaran nitong pagkamatay.
Sinabi naman ni Police Staff Sergeant Vincent Gonzalve na sakay din ng motorsiklo ang biktima nang harangin ito ng hindi pa nakikilalang mga salarin.
Samantala, ipinag-utos ni PNP Chief General Guillermo Eleazar ang patuloy na imbestigasyon sa motibo ng krimen.—sa panulat ni Airiam Sancho