Nasawi sa engkwentro sa Negros Oriental province ang isang lider ng New People’s Army (NPA).
Kinilala ni Philippine Army 3rd Infantry Division Acting Spokesman, Lt. Col. Magno Mapalad ang nasawi na si Victor Baldonado, alyas “Rudy,” 34 na taong gulang at residente ng Barangay Trinidad, Guihulngan City.
Si Baldonado ay commander ng section guerrilla unit ng Central Negros 1, regional committee ng Negros, Cebu, Bohol, at Siquijor, na nagpapatakbo sa tri-boundaries ng Guihulngan City, Canlaon City, Negros Oriental, at Moises Padilla sa Negros Occidental.
Ito rin ay isa sa higit limang rebeldeng NPA na naka-engkwentro ng tropa ng 62nd Infantry Battalion sa Sitio Banderahan, Barangay Trinidad.
Maliban sa katawan ng NPA leader, narekober din ng mga militar sa pinangyarihan ng engkwetro ang M16 rifle at tatlong magazines ng bala.