Patay ang isang NPA o New People’s Army commander habang dalawang sundalo ang sugatan sa ikinasang operasyon ng militar at pulisya sa bayan ng Sindangan sa Zamboanga Del Norte.
Kinilala ni Philippine Army First Infantry Division Spokesperson Major Ronald Suscano ang nasawing NPA leader na si Edwin Lapinig alias “Baz”.
Napatay si Lapinig sa pinagsanib na operasyon ng Joint Task Force Group Igsoon at Zamboanga Del Norte Provincial Police habang dalawang sundalo ang naman ang nasugatan dito.
Ayon sa militar, tumatayo si Lapinig bilang commander ng platoon basil ng Mobile Regional Guerilla Unit ng Western Mindanao Regional Party Committee ng NPA at may standing warrant of arrest din ito sa kasong multiple murder.