Hindi kailanman magiging lame duck leader si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito, ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, ay dahil mataas pa rin ang kumpiyansa o tiwala ng mga Pilipino sa Presidente.
Maituturing na lame duck ang isang lider na malakas lamang ang suporta sa kalagitnaan ng termino pero bigla namang nagbabaligtaran ang mga kaalyadong pulitiko at lilipat sa ibang partido sa dulo ng kanyang panunungkulan.
Giit ni Panelo, malabo itong mangyari kay Duterte lalo pa’t 91 %ang trust at approval ratings ng punong ehekutibo sa mga nakaraang survey.