Kumpiyansa ang liderato ng Philippine Military Academy o PMA na hindi makakaapekto sa recruitment process ng military school ang kaso ng pagkamatay ni Cadet Fourth Class Darwin Dormitorio.
Bagama’t nagdulot ng takot sa mga magulang ang sinapit ni Dormitorio, tiniyak ni Major Reynan Afan sa mga ito na inaalagaan ang kanilang mga anak sa PMA.
Dagdag ni Afan, patuloy na umiiral ang regulasyon sa akademya at bukas sila sa lahat ng klase ng imbestigasyon ukol sa naturang usapin.
Magugunitang natagpuang walang malay si Dormitorio sa kanyang kwarto at idineklarang dead on arrival sa isang ospital noong Setyembre 18.
Samantala, tinawag naman ni Armed Forces of the Philippines Chief Lieutenant General Noel Clement ang pagkamatay ni Dormitorio na isang isolated case sa loob ng military school.