Bago pa man ang expose ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na bumalik na naman ang illegal drug trade sa NBP o New Bilibid Prison, gusto na ng liderato ng Special Action Force na i-pull out mula sa nasabing piitan ang SAF Commandos.
Ayon kay PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa, kahit pa idineploy ang SAF sa Bilibid, walang full control ang mga ito sa loob ng bilangguan.
Sinabi ni Dela Rosa na ang tanging binabantayan lamang ng SAF ay ang maximum security area sa Building 14.
Sakali aniyang ilipat ang mga drug lord mula sa Building 14 patungong minimum security area, wala nang kontrol dito ang SAF.
Ipinabatid ng PNP Chief na kakausapin niya ang mga pinuno ng SAF na kung maaari ay magkaroon muna ng rotation sa mga nakatalagang tauhan nila sa NBP.
Over stretched na aniya ang SAF dahil bukod sa pagbabantay sa mga drug lord sa Bilibid, pinagtutuunan din ng nila pansin ang problema sa Zamboanga Peninsula, Maguindanao at Marawi City.
By: Meann Tanbio
Liderato ng SAF gusto nang i-pull out ang mga SAF commandos sa NBP was last modified: July 5th, 2017 by DWIZ 882