Mapapatawan na ngayon ng mas mabigat na parusa ang mga sangkot sa bank hacking at skimming ng mga Automated Teller Machine (ATM) cards.
Nakasaad sa Republic Act No. 11449, maituturing nang heinous crime ang paggamit ng access devices upang makapanloko at kailangan nang mapatawan ng habambuhay na pagkakabilanggo at pagbabayad ng P5-million.
Ayon sa R.A. 11449, malinaw na isang economic sabotage ang mga kaso ng bank hacking at ATM card skimming at dapat lamang na mapatawan ng pinakamataas na parusa.
Maari namang mabilanggo ng hindi bababa sa anim na taon hanggang 20 taon ang sinumang masasangkot sa credit cards fraud at iba pang access devices at babayaran nito ng doble ang ninakaw nitong halaga.
Nilagdaan ni Pangulong Duterte ang panukalang batas noong Agosto 28 at magiging epektibo matapos ang 15 araw na official publication nito.