Dinagdagan ng Government Service and Insurance System (GSIS) ng P500,000 ang life insurance ng mga medical frontliners.
Ito ang inihayag ni GSIS president at general manager Rolando Macasaet sa virtual meeting ng Defeat COVID-19 committee ng Kamara.
Paliwanag ni Macasaet, sa ilalim ng “bayanihan fund for frontliners”, makatatanggap ng dagdag na P500,000 ang mga frontliners bukod sa kanilang mga life insurance na nagkakahalaga mula P300,000 hanggang P500,000.
Samantala, ayon sa ahensya, ang bagong insurance policy ay umabot na sa P1-milyon na matatanggap naman ng mga naiwang pamilya ng masasawing health worker dahil sa pagtugon nito sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic, sang-ayon sa Bayanihan to Heal as One act.