Magsasagawa ng lifestyle check sa mga tauhan ng Land Transportation Office (LTO) kasunod ng mga pahayag ng Pangulong Rodrgigo Duterte na labanan ang korupsiyon sa pamahalaan.
Ayon kay LTO Chief Ed Galvante, ito ay upang magkaalalaman na kung talagang maraming kurap at nagpapayaman lamang sa kanilang posisyon.
Banta pa ni Galvante, tutuluyan nya ang sinumang mapapatunayang nagkamal ng yaman bukod pa sa sasampahan ng kakukulang kaso.
Una nang hinamon ng Pangulo ang mga tauhan ng Bureau of Customs dahil sa talamak na corruption activities sa loob ng ahensya.
By Rianne Briones