Umusad na ang lifestyle check sa lahat ng opisyal at kawani ng BIR o Bureau of Internal Revenue.
Ayon kay BIR Commissioner Cesar Dulay, katulong nila sa lifestyle check ang Land Registration Authority, Land Transportation Office at National Bureau of Investigation.
Kasabay nito ay iginiit ni dulay ang mahigpit nilang pagpapatupad ng ‘no gift policy’ sa BIR.
Una rito, tinanggal ni Dulay sa puwesto ang isang Revenue District Office makaraan itong magpadala ng fruit basket sa kanyang tanggapan.
Kasama ang RDO sa mga isinasalang ngayon sa lifestyle check.
By Len Aguirre