Target ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na tapusin ang isinasagawang lifestyle sa 13 hanggang 20 opisyal ng Phiilippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa loob ng 2 o 3 buwan.
Ayon kay PACC commissioner Greco Belgica, agad nilang isusumite ang resulta ng lifestyle check kay pangulong Rodrigo Duterte para kanilang hingan ng rekomendasyon.
Kasunod nito, kanila namang ihahain sa tanggapan ng Ombudsman para sa pagsasampa ng kasong kriminal.
Una nang sinabi ni Belgica na kabilang sa mga isasailalim sa lifestyle check ang 13 hanggang 20 dati at kasalukuyang opisyal ng PCSO alinsunod aniya sa kautusan ni pangulong Duterte.
Magugunitang, sinuspinde ni pangulong Duterte ang operasyon ng lahat ng gaming activities ng PCSO noong Hulyo a-bente sais kung saan tanging ibinalik ang lotto kinabukasan.