Pinatitigil muna ni Ombudsman Samuel Martires ang pagsasagawa ng lifestyle check sa mga nasa gobyerno.
Ito, ayon kay Martires, ay dahil marami ang nabibiktima ng Republic Act 6713 o ang code of conduct and ethical standards of public official and employees at nasasalang sa iba’t ibang interpretasyon.
Sinabi ni Martires na maraming kailangang baguhin sa naturang batas kayat hinihiling niya sa kongreso na maamiyendahan ito.
Binigyang diin ni Martires na walang sinuman ang may karapatang husgahan ang isang empleyado ng gobyerno dahil may kani-kaniyang priority ang bawat isa.
Mayroon aniyang nagtatrabaho sa gobyerno na mas pinipiling mamuhay na mas mataas sa kaniyang kinikita na hindi naman dapat pakialaman.
Paliwanag pa ni Martires, mayroong mas inuuna ang ibang bagay tulad ng mamahaling sasakyan at iba pang materyal na bagay at isinasantabi ang iba samantalang ang iba ay nangungutang para sa kanilang mga gustong bilhin.