Isinusulong ni Senator Sherwin Gatchalian na ang “Lifetime Cellphone Number Act” kung saan naglalayong mapadali ang paglipat ng mga mga konsyumer kung may papasok na bagong telecommunication companies sa bansa.
Ayon kay Gatchalian kung may papasok na third, fourth o fifth player ay hindi na mahihirapan ang mga telcos na kumuha ng customer dahil sa dala-dalang cellphone number at puwedeng gamitin sa kahit anong telcos na nais pasukin ng konsyumer.
“So far wala akong balakid na nakikita at na-eexperience. Simple concept yan, kung anong number mo lifetime na sayo yan. With this law kung may 3rd player or 4th player (na telcos) mas madali sa kanyang umakit ng customer, maganda ito sa consumers dahil hindi na tayo mahihirapang lumipat ng network.” Ani Gatchalian
Dagdag ni Gatchalian kailangan lang na makapag-provide ng mobile portability na libre at walang mga karagdagang ipapataw na bayad na nagiging hadlang sa mga kompetisyon sa telcos.
Layon din ng panukalang ito na magkaroon ng umano’y “healthy competition” kung sakaling dumami pa ang mga internet provider o telecommunication company sa bansa.
“Importante na madali, at libre ang paglilipat para mas madali sa 3rd player at 4th player na pumasok, ang importante rin dito ay pagalingan sila at pababaan ng presyo.” Pahayag ni Gatchalian
(Ratsada Balita Interview)