Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi aabot sa 40 milyong piso ang kanyang lifetime savings tulad ng inaakusa ng kanyang mga kritiko.
Sa pagdalo ng Pangulo sa induction ng opisyal ng Integrated Bar of the Philippines o IBP sa Davao City noong Sabado, sinabi nitong bahagi ng naturang halaga ay mula sa kanyang mana at pag-aari na alam na alam naman ng mga residente sa naturang syudad.
Ngunit sa kabila nito sinabi ni Duterte na negosyante ang kanyang partner na si Honeylet Avanceña kaya kahit paano ay hindi sila naghihirap.
Sinabi pa ng Pangulo na inaasahan niyang anumang oras ay ilababas na ng kanyang mga detractors ang detalye ng kanyang mga bank accounts.
Una nang tinukoy ni Senador Antonio Trillanes IV na mayroong multi-bilyong pisong unexplained wealth ang Pangulo at pamilya nito.
(Ulat ni Jopel Pelenio)