Isinusulong sa kamara ang lifetime validity passport ng mga Senior Citizen.
Ito ang sinusulong na Senate Bill No.1197 ni Senator Lito Lapid na kailangan ikonsidera ang mga senior citizen dahil marami na ang mahina, malabo ang mata at hindi na makakitang mga matatanda.
Umapela naman si Department of Foreign Affairs Office of Consular Affairs Executive Director Alnee Gamble, ang pag-bibigay sa mga senior citizen ng lifetime validity passport ay hindi sumusunod sa International Civil Aviation Organization o ICAO.
Dagdag ni Gamble, na baka imbes na makatulong ito sa mga senior citizen ay maaaring maging perwisyo pa ito sa kanila.
Sinabi naman ni Senator Francis Tolentino na maaaring magawan ito ng paraan upang hindi mahirapan ang mga matatanda.
Gayunman, binigyang diin ng DFA na kailangan sundin ang panuntunan ng ICAO.— sa panulat ni Rashid Locsin