Inihirit ng liderato ng League of Municipalities of the Philippines ang pakikipagpulong kay Pangulong Rodrigo Duterte para paki-usapan hinggil sa kaso ng mga hininalang narco-mayors.
Kasunod na rin ito ng magkasunod na insidente ng pamamaslang kina Tanauan City Batangas Mayor Antonio Halili at General Tinio Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote.
Ayon kay Socorro Oriental Mindoro Mayor mArife Brondial, Chairman ng League of Municipalities of the Philippines National, labis nilang ikinalulungkot ang aniya’y karumal-dumal na pagpatay sa dalawang alkalde.
Pag-amin ni Brondial, hindi na rin maiwasan ng ibang mga alkalde na mangamba sa kanilang buhay kasunod ng mga pangyayari na aniya’y nagpapatunay ng kawalan na nang takot at respeto sa buhay ng mga kriminal.
Iginiit ni Brondial, hindi tamang patayin na lamang basta-basta ang mga mayor na masasangkot sa iligal na gawain gayung may legal na proseso para mapanagot ang mga ito.
Samanatla, patuloy din aniya ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Department of Interior and Local Government o DILG at Philippine National Police o PNP para sa seguridad ng mga alkalde sa buong bansa lalo na ang mga tinanggalan ng police power matapos naman mapabilang sa narco-list.
—-