Ginamit na pagkakataon ng Pangulong Benigno Aquino III ang pagharap niya sa forum ng liga ng mga barangay para ikampanya ang Roxas-Robredo tandem.
Hinimok ng Pangulo ang libu-libong barangay captain na dumalo sa event sa PICC na iboto ang mga lider na mayroong track record sa halip na sumugal sa mga hindi pa nasusubukang pulitiko.
Binigyang diin ng Pangulo na tanging ang mga pambato lamang ng kanilang partido ang makakapagpatuloy ng mga reporma at programang sinimulan ng gobyernong Aquino.
Sinabi ng Pangulo na tiwala naman siya sa kanyang mga boss, ang publiko na magde-desisyon ng tama at pipili ng mga bagong lider na mayroong sapat na karanasan sa Mayo 9.
By Judith Larino | Aileen Taliping (Patrol 23)