Hinimok ng mga magulang, guro at estudyante ng Manila Science High School ang Korte Suprema na maglabas na ng desisyon sa petisyong kumukwestyon sa ligalidad ng K to 12 program ng Department of Education na nagdaragdag ng dalawang taon sa 10 year basic education system.
Ayon kay Atty. Severo Brilliantes, legal counsel ng mga petitioner, dapat resolbahin ng Supreme Court ang kanilang petisyong inihain noong June 2015 na humihiling na ipatigil ang implementasyon ng Republic Act 10533 o Enhanced Basic Education Act.
Bagaman naglabas ng resolusyon ang SC noong April 5, 2016 upang makapagsumite ng memorandum ang mga petitioner na inihain naman noong May 2 pero mag-i-isang taon na ay wala pa ring pasya ang high court.
Ipinunto rin ng mga petitioner na bagaman naiintindihan nila ang tambak ng trabaho ng mga mahistrado, maka-aapekto naman ang naturang kaso sa milyun-milyong estudyante na tinamaan ng dagdag dalawang taon sa basic education.
By: Drew Nacino