Naghahanap pa rin ng mga impormasyon ang Philippine National Police Anti-Illegal Drug Special Operations Task Force na magpapatunay sa naging pahayag ni Lieutenant Colonel Ferdinand Marcelino.
Matatandaang sinabi ni Marcelino na siya ay nasa covert mission nang arestuhin sa isang shabu townhouse sa Santa Cruz manila nooong nakaraang linggo.
Sinabi ni Chief Inspector Mardeguia, isang official ng PNP-AIDSOTF na nagpapatuloy ang kanilang pakikipagtulugnan sa Navy Marines, Philippine Army, Armed forces of the Philippines at sa Bational Bureu of Investigation upang mangalap ng dagdag na impormasyon.
Ani Mardeguia, sa ngayon ay taning certification mula sa Philippine Army intelligence service group pa lamang ang naibibigay ni Marcelino.
Kaya lang,nakasaad lamang aniya sa nasabing certification na si marcelino ay nasa isang misyon upang kumuha ng mga impormasyon sa mga sundalong gumagamit ng droga.
Dagdag ni Mardeguia, may mga report din na si Marcelino ay direktang nagre-report sa isang opisyal sa Malakanyang.
By: Allan Francisco