Pinasinungalingan ng Armed Forces of the Philippines ang mga alegasyon na nagkaroon ng kaguluhan, kung saan ang ilan sa kanilang mga tauhan ay nagbitiw sa pwesto, kasunod ng pagkaka-aresto ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, ang pagkakaaresto ni Duterte ay isang executive issue at hindi nila saklaw.
Aniya, sumusunod sila sa Chain of Command at mga demokratikong institusyon ng bansa.
Binigyang-diin ng AFP Official na sa kasalukuyan ay nakatuon ang kanilang atensyon sa pagpapanatili sa pambansang seguridad at kaayusan sa bansa.—sa panulat ni John Riz Calata