Isinulong ng grupong Philippine Cannabis Compassion Society na isama ang ligalisasyon ng paggamit ng marijuana bilang lunas sa ilang sakit sa issue na dapat talakayin sa presidential debates.
Ayon kay Kimmi del Prado, founder ng naturang grupo, nais nilang malaman ang pananaw ng mga presidential candidates sa kontrobersyal na issue.
Naniniwala si del Prado na maaaring mabigo ang kongreso na ipasa ang House Bill 4477 o Compassionate Use of Medical Cannabis Act subalit hindi anya sila nawawalan ng pag-asa na aaprubahan ito ng susunod na administrasyon.
Ipinaliwanag ni del Prado na kapos na sa oras upang isabatas ang nasabing panukala dahil nakatutok ang mga mambabatas sa ibang usapin gaya ng Bangsamoro Basic Law, territorial dispute at campaign period.
By: Drew Nacino