Hindi papayagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na maging ligal ang marijuana sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, tutol si Pangulong Duterte sa legalization ng marijuana dahil mahirap pigilan ang paglaganap nito kapag pinayagang maisabatas ng pamahalaan.
Batid naman anya ng Punong Ehekutibo na ginagawang panlunas ang marijuana sa ilang sakit pero iniiwasan lamang ay ang posibiladad na hindi makontrol ang pupuntahan ng mga tinatanim na marijuana.
Gayunman, nilinaw ni Roque na hindi naman inaalis ng Palasyo ang mga suhestyong gawing ligal ang marijuana basta’t dapat munang mapigilan ang operasyon ng iligal na droga.
—-