Iginiit ng mga medical cannabis advocate ang pagpasa ng batas upang maging ligal ang paggamit sa medical marijuana.
Sa hearing ng subcommittee on health and demography, humarap ang mga magulang na may anak na epileptic.
Kasama si Dr. Donnabel Trias-Cunanan ng grupong cannahopefuls, incorporated na may anak na epileptic.
Ayon kay Cunanan, matagal na silang nananawagan na gawing ligal ang medical cannabis dahil napakahirap mag-apply ng compassionate special permit sa pagbili ng ganitong gamot mula sa ibang bansa sa dami ng requirement.
Mismong mga doktor anya ay hindi rin bukas na magreseta ng medical cannabis galing sa ibang bansa.
Inihayag naman ni Rowena Pilapil, na may anak na epileptic, na kapag naging ligal na ang medical cannabis ay mas magiging abot-kaya na itong gamot at maiiwasan ang mga long term side effects sa kanilang mga anak mula sa mga nireresetang gamot sa ngayon. — Mula sa ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)