Pinasinayaan ni Vice President Sara Duterte ang lighting ceremony ng higanteng Christmas tree sa San Pedro, Laguna kahapon.
Sa kaniyang talumpati, sinabi ni Duterte na pagpapatawad sa mga taong nakasakit ng damdamin o nakagawa ng hindi maganda ang tunay na diwa ng pasko.
Mahalaga rin anya ang pagsasama-sama at kasiyahan ng pamilya.
Samantala, nagpasalamat naman ang bise-presidente sa mga mamamayan ng San Pedro sa suportang ibinigay sa kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte maging kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong eleksyon. – sa panulat ni Hannah Oledan