Tiniyak ng Department Of Health na ligtas ang lahat ng bakuna na bibigyan ng Emergency Use Authorization o EUA ng Food and Drug Administration (FDA).
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi na dapat maging isyu pa ang inilabas na efficacy rate ng mga bakuna kapag ito ay na-isyuhan na ng EUA.
Aniya kapag ang isang bakuna ay dumaan na sa FDA, ibig sabihin ay ligtas at epektibo ito.
Ang EUA ay nagsisilbing permit ng mga bakunang dumaan sa clinical trial para magamit sa isang bansa bilang panlaban sa partikular na sakit.