Muling nagpaalala ang Department of Health-Metro Manila Center for Health Development tungkol sa ligtas na pagboto ngayong darating na eleksyon.
Una na rito ang pagtitiyak na may magandang bentilasyon ang bawat voting precint.
Pangalawa, laging isuot ng inyong facemask.
Ikatlo, sumailalim sa temperature check bago pumasok sa presinto kung saan boboto.
Ikaapat, panatilihin ang isang metrong distansya.
Ikalima, manatili na lamang sa bahay kung nakakaramdam o may sintomas ng COVID-19.
At ika-anim, tiyaking doble ang proteksyon sa pamamagitan ng pagpapaturok ng primary dose ng COVID-19 vaccine at booster shots.
Giit ng DOH-MMCHD, mahalagang tiyaking ligtas ang eleksyon mula sa nakakahawang sakit lalo na sa COVID-19.