Dapat magkaroon ng limited, voluntary at targeted face to face classes sa mga lugar na may mababang kaso ng COVID-19.
Ito ang isinusulong ng grupong Alliance of Concerned Teachers o ACT dahil nababahala ito sa patuloy na umiiral na blended learning sa mga mag-aaral sa bansa.
Dahil umabot na sa 18 milyong estudyante ang nag-enroll para sa school year 2021-2022 na magsisimula na sa Setyembre 13.
Hiniling ni Alliance of Concerned Teachers Sec. Gen. Raymond Basilio na kailangan magsagawa ng hakbang ang pamahalaan sa ligtas na pagbabalik ng mga mag-aaral sa limited face to face classes gaya ng pinaikling oras ng klase at bilang ng mga estudyante sa loob ng silid aralan.
Dahil tanging ang Pilipinas at ilang bansa na lamang ang hindi pa ibinabalik ang face to face classes.
Una nang inanunsiyo ng DEPED na pinag-aaralan nila na magsagawa ng pilot testing ng limited face to face classes sa isandaan pampublikong paaralan at sa 20 private schools.