Hangad ng Bureau of Fire Protection ang kaligtasan ng publiko sa pagdiriwang ng pasko at bagong taon.
Sa isinagawang press briefing, ipinabatid ni BFP fire safety and Enforcement Acting Director fire Senior Superintendent. Romeo Maltezo Jr. na nakaapekto rin sa kanilang kampanya na isinasagawa taon-taon ang ngayo’y ipinatutupad na mga restrictions bunsod ng COVID-19.
Gayunman sinabi ni Maltezo sa na hindi pa rin dapat makompromiso ang kaligtasan ng publiko laban sa mga posibleng sunog na dulot ng paputok, depektibong christmas light at iba pang dahilan.
Sa kabila aniya ng restrictions ay patuloy pa rin ang kanilang gagawing pagpapaalala sa publiko.
Kung dati umano ay namamahagi sila ng flyers ngayon ay gumagamit na sila ng led walls at Facebook pages para ma-i-broadcast ang mga safety reminders para maiwasan ang sunog.