Isinusulong ng National Commission of Senior Citizens (NCSC) sa Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagkakaroon ng ligtas na espasyo ang mga matatanda sa mga pampublikong lugar para makalabas din ang mga ito.
Sinabi ni Atty. Franklin Quijano, chair ng NCSC, na dapat isaalang-alang ang mental health ng mga senior citizens bukod pa sa kailangang maging malusog at aktibo ang mga ito ngayong mayroong health crisis.
Ayon kay Quijano, dapat magkaroon ng sariling oras ang mga senior citizens para makapamili sa labas ng kanilang mga pangangailangan.
Nanawagan din si Quijano sa mga local officials at maging sa transport sector na maglaan ng espasyo para sa mga senior citizen.