Ayon sa mga eksperto, kagaya ng tradisyonal na sigarilyo, ang e-cigarette ay nagtataglay rin ng nicotine na kailanman ay hindi naging maganda para sa kalusugan dahil nagdudulot ito ng pagtaas ng prisyon at adrenaline, na nagpapabilis ng tibok ng puso na maaaring maging dahilan ng heart attack.
Ang paggamit ng vape ay nakakapinsala ng puso at baga. Maaari rin itong magdulot ng paghina ng resistensya at cancer.
Bagama’t, sinasabi sa isang pag-aaral na mabisang paraan ang paggamit ng vape upang maiwasan ang sigarilyo ay wala pa ring sapat na ebidensyang magpapatunay rito.
Dahil wala pang kongretong pag-aaral sa vape ay mas mainam pa ring na kumonsulta sa mga eksperto ukol sa paggamit nito.