Inilunsad ng Department of Health o DOH ang ‘Ligtas Tigdas’ program para labanan ang pagkalat ng measles o tigdas sa buong bansa.
Ayon sa DOH, gagawin ang pagbabakuna mula Abril 28 hanggang May 25 sa National Capital Region o NCR at May 9 hanggang June 8 sa Mindanao Region.
Target na mabakunahan ang batang limang taon gulang pababa.
Una nang nagdeklara ng measles outbreak sa Negros Oriental, Taguig City, Zamboanga City at Davao.
Sinasabing tumaas ang insidente ng tigdas sa bansa dahil na rin sa takot ng mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak kasunod ng naging kontrobesiya sa Dengvaxia.
—-