Dapat na bigyan ng ligtas at tiyak na trabaho ang lahat ng manggagawa sa gitna ng pagbangon ng ekonomiya ng bansa.
Ito ang apela ni president Raymond Mendoza ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) sa gobyerno kung saan dapat aniyang taasan na ang sahod sa lahat ng rehiyon.
Paliwanag niya na ito ay para mabigyan ng mga manggagawa ang kanilang pamilya ng sapat na pagkain at maiahon sa kahirapan.
Samantala, nanawagan din ang TUCP sa employer sector para tiyaking magkakaroon ang mga empleyado ng access sa libreng COVID-19 vaccination.