Unti-unti nang nasisira ang likas na yaman ng isla ng Boracay ayon sa Japan International Cooperation Agency o JICA.
Batay sa ginawang 5-taong pag-aaral ng JICA, nasasalaula na umano ang isla dahil sa mga ginagawang aktibidad doon tulad ng diving at snorkeling na nakasisira sa mga coral reefs.
Ayon din sa pag-aaral, bumaba ng mahigit sitenta porysento o 70 percent ang coral cover sa Boracay sa mga taong 2008 hanggang 2011 kasabay ng pagtaas ng bilang ng mga turistang pumupunta rito.
Dahil dito, iminungkahi ng JICA sa lokal na pamahalaan at mga opisyal nito na gumamit ng mga kongkretong kaalaman sa pamamagitan ng siyensya at tekonolohiya para matugunan ang mga usaping may kinalaman sa likas yaman ng isla.
Una nang tinututukan ng Department of Environment and Natural Resources o DENR ang mga gusaling nakatayo sa isla na anila’y overbuilt na.
By Jaymark Dagala | Avee Devierte