Lima katao ang patay matapos sumabog ang isang aluminum plant sa Jiangsu province sa China.
Batay sa ulat, agad binawian ng buhay ang dalawa sa mga nasawi habang sa ospital naman namatay ang tatlo.
Nangyari ang pagsabog sa pagaaring planta ng isang kumpanya na nagngangalang Yize Aluminum sa siyudad ng Jiangyin.
Kasalukuyang iniimbestigahan pa ang naging dahilan ng pagsabog.