Sugatan ang apat na bumbero at isang volunteer sa naganap na sunog sa Starmall Alabang, Muntinlupa City kahapon kung saan, itinaas ang task force Alpha.
Ayon sa Bureau Of Fire Protection, tumagal ng labing limang oras ang sunog bago idineklarang fire under control.
Sa imbestigasyon ng mga otoridad, nagsimula ang sunog sa ground level ng 4-story commercial building kung saan, rumesponde ang 226 fire trucks at siyam na ambulansya ng BFP at volunteers.
Sa ngayon, hinihintay pa ang official statement ng nasabing mall. —sa panulat ni Angelica Doctolero