Pumalyang GPS o Global Positioning System ang itinuturong sanhi ng nangyaring aberya sa isang barko ng Montenegro Shipping Lines sa lalawigan ng Romblon.
Ito’y ayon sa Chief Mate ng M/V Matilde kasunod ng pagsadsad ng barko sa bahagi ng Calatrava Island mula Odiongan patungong Romblon Port para sana maghatid ng pasahero sa Batangas port.
Maliban sa pumalyang GPS, itinuturo ring dahilan ng pagsadsad ang malakas na hangin sa karagatan na siyang nagyupi sa unahang bahagi ng naturang barko.
Kaugnay nito, nasa maayos nang kalagayan ang 50 pasahero ng nasabing barko makaraang magtamo ng minor injuries dahil sa lakas ng pagkakasadsad nito at pagbangga sa mga bato.
SMW: RPE