Maaaring mag-avail ng limang araw na special emergency leave ang mga empleyado ng pamahalaan.
Ito ang inanunsyo ng Civil Service Commission (CSC) sa gitna na rin ng nagaganap na pag-aalburuto ng Bulkang Taal.
Ayon kay CSC Commissioner Aileen Lizada, alinsunod sa memorandum circular numbers 2 at 16 na ipinalabas noong Febuary 16 at October 17 ng 2012, isinasaad ang pagkakaloob ng special emergency leave sa mga kawani ng pamahalaan.
Aniya, maaaring i-apply ng isang government employee ang kanilang special emergency leave sa magkakasunod na limang araw o magkakahiwalay.
Dagdag ni Lizada, hiwalay ang nasabing mga leave sa mismong leave credits ng mga kawani ng pamahalaan.
This is intended to repair or clean up yung mga bahay nila or stranded ba sila, or to care for immediate family members hindi ito babawasan sa vacation leave or sa sick leave, we just want to reiterate itong MC na ito baka nakalimutan na ng ibang government officials or employees ito, the head of the office shall take full responsibility pag-grant ng special emergency leave and then i-verify niya kung yung area niya o yung empleyado under state of calamity,” ani Lizada.