Patay ang limang batang magpipinsan sa sunog sa Tondo, Maynila.
Batay sa ulat, sumiklab ang apoy sa ikalawa at ikatlong palapag ng isang residential property sa nasabing lugar.
Itinaas naman sa ikalawang alarma ang nangyaring sunog kung saan ay higit walong firetruck ang rumesponde subalit ay nahirapang gumalaw ang mga bumbero bunsod ng masikip ang eskinita.
Tinatayang aabot sa higit 150,000 ang halaga ng pinsala ng sunog.
Kasalukuyan naman ng gumugulong ang imbestigasyon kaugnay sa naging sanhi ng insidente. – Sa panulat ni Alyssa Quevedo