Patay ang limang batang magkakapatid sa sumiklab na sunog sa isang tatlong palapag na bahay sa Tondo, Maynila.
Kinilala ang mga biktima na sina John Mike Christer Geneniano, Baby Michael, Marcel, Mikaela at Miel Michael na nasa mga edad isa hanggang 12.
Samantala, nakaligtas naman sa insidente at kasalukuyang nasa ospital ang isa pang kapatid ng mga biktima na si John Michael Geneniano.
Kwento ng bata, nakita niyang naglalaro ng lighter ang dalawa sa kanyang mga kapatid bago mangyari ang insidente sa kanilang bahay sa 1869 Laperal Street kanto ng Herbosa Street sa Tondo.
Mabilis na kumalat ang apoy dahil pawang gawa sa light materials ang mga katabing bahay.
Umabot sa ikaapat na alarma ang sunog na nagsimula dakong 9:51 ng umaga at tuluyang naapula 1:34 ng hapon.