Suspendido ang operasyon ng limang laboratoryo sa bansa bunsod ng kabiguang makapagsumite ng report ukol sa resulta ng mga ginagawa nilang COVID-19 tests.
Ayon naman kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi kasama sa mga inilalabas nilang COVID-19 tally araw-araw ang resulta mula sa mga testing centers na hindi nakakapagbigay ng datos sa tamang oras.
Sa ilalim ng Republic Act No. 11332 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act, maliban sa multa o pagkakakulong ay maaari ring makansela ang ‘license to operate’ ng anumang pasilidad na lalabag dito.