Kasalukuyang nagpapakawala ng tubig ang limang pangunahing dam sa Luzon matapos magpa-ulan sa malaking bahagi ng bansa ang nagdaang Bagyong Ompong.
Ayon sa PAGASA Hydro-Meteorology Division, bukas ang isang gate ng Ipo dam; anim na gates sa Binga Dam; walo sa Ambuklao; dalawa sa San Roque Dam at isa sa Magat Dam.
Magugunitang ilang bayan sa Pangasinan ang lubog sa tubig baha bunsod ng pagpapakawala ng tubig ng San Roque Dam na siyang pinakamalaking dam sa Luzon.
Nanganganib din mag-overflow ang La Mesa Dam na ngayo’y nasa 79.55 meters, malapit na sa spilling level na 80.15 meters kung sasaluhin pa nito ang tubig na pakakawalan ng Ipo at Angat Dam sa Bulacan.