Ipinagiba ng DENR o Department of Environment and Natural Resources ang limang ektaryang subdibisyon na itinayo sa isang mangrove area sa Palawan.
Ayon kay DENR Sec. Gina Lopez, iligal ang pagtatayo ng anomang istraktura sa barangay san manuel dahil sakop ang probinsya ng isang mangrove reservation proclamation.
Binatikos din ng kalihim ang pagbibigay ng pahintulot ng lokal na opisyal para makapagtayo ng subdibisyon gayundin ang kawalan ng aksyon ng mga opisyal ng barangay at mga pulis.
Nakita sa lugar ang tambak ng mga patay na mangrove at corals na ginawang pundasyon sa itinatayong subdivision.
By Rianne Briones