Limang estudyante mula sa India ang nasawi sa aksidente sa isang highway sa Canada.
Ayon sa Ontario Provincial Police, ang mga biktima ay nag-aaral sa Montreal at Greater Toronto Area, at pawang mga edad 21 at 24 anyos.
Dalawang indibidwal ang isinugod sa ospital matapos magtamo ng serious injuries habang nakaligtas naman ang driver ng tractor-trailer at hindi nagtamo ng anumang sugat.
Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa naganap na aksidente.