Tinatayang 500 minero ang nawalan ng trabaho makaraang ipasara ang limang kumpanyang nag ooperate ng quarry sites sa Romblon.
Kasunod ito ng inspeksyong isinagawa ng Mines and Geosciences Bureau at Provincial Environment and Natural Resources sa sito Bagasyong, barangay Cajimos at sitio Caray Caray sa Barangay Agtongo, mga bulubunduking lugar sa Romblon na mayaman sa marmol.
Natuklasan ng PENRO na malaking bahagi ng kabundukan ang nakakalbo na.
Ang mga ipinasarang kumpanya ay ang Kantoh International Marble Corporation, Agtongo-Bagasyong Marble, Angtongo Centro Miners, Romblon Development Multi-Purpose Cooperative at Agtongo Bagasyong Multipurpose Cooperative.
By: Len Aguirre