Limang pasahero ng bus ang pinababa ng mga tauhan ng Inter-Agency Council for Traffic sa Commonwealth Avenue sa Quezon City dahil hindi pa bakunado ang mga ito laban sa COVID-19.
Kasunod ito ng ginawang inspeksyon ng mga otoridad sa unang araw ng pagpapatupad ng “No Vaccination, No Ride” policy sa NCR.
Kabilang sa mga pasahero ang isang may sakit sa bato, isang kapapanganak pa lamang at isang kagagaling lamang ng probinsiya.
Dinala muna ang mga nasabing pasahero sa opisina ng task force disiplina bago inihatid sa vaccination site upang maturukan ng COVID vaccine.