Patay ang limang sundalo habang dalawa ang sugatan sa pananambang ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army o NPA sa lungsod ng Guihulngan sa Negros Oriental kaninang umaga.
Ayon kay Col. Elizier Losanes, commander ng 303rd infantry brigade ng Philippine Army, sugatan din sa nasabing insidente ang isang konsehal at dalawa pang pulis.
Sinasabing patungo ang mga pulis sa Sitio magtiid, barangay Magsaysay para rumesponde sa ulat na isang Konsehal Delarapa ang tinambangan ng mga rebelde. Habang paparating sa lugar ay inatake na ng NPA ang mga pulis.
Kabilang sa nasawi si Guihulngan city police chief Supt. Arnel Arpon at apat niyang tauhan.
By Meann Tanbio
Limang pulis patay sa pananambang sa Negros Oriental was last modified: July 21st, 2017 by DWIZ 882