Limang siyudad sa Metro Manila ang pangunahing makikinabang sa roll out ng 15,000 doses ng COVID-19 vaccine ng Russia na Sputnik V.
Ayon ito kay Testing Czar Vince Dizon na nagsabing kabilang sa unang makakatanggap ng Sputnik V ang mga residente ng Maynila, Taguig, Makati, Paranaque at Muntinlupa.
Sinabi ni Dizon na kailangang isagawa ang pilot rollout ng Sputnik V para mabatid kung kakayanin ng ibang local government units ang kailangang temperatura para sa nasabing bakuna .
Inaasahang ngayong araw na ito darating sa bansa ang unang supply ng Sputnik V na kaagad ilalagay sa cold chain storage facility sa Marikina City bago ibahagi sa limang LGU.